MMDA: Vehicle tagging sa Lunes dry run pa lang

IPINAALALA ng pumunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dry run pa lamang ang pagpapatupad ng vehicle tagging scheme ng simula sa Lunes, Agosto 15.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na isang linggo muna nilang oobserbahan kung aling mga bus ang wala pang nakapintang plate number sa bubong, harap, likod at tagiliran ng sasakyan.

Ibibigay muna ang tamang specification na 900 millimeters x 1200 millimeters sa bubong, habang 1/3 ng 900 mm x 1200 mm sa tagiliran at 200 mm x 400 mm sa harapan.

Ayon kay Tolentino, sa Agosto 23 pa sila magsisimulang manghuli ng mga bus na wala pa ring pintura ng plate number sa kanilang mga bus.

Sa ngayon aniya, nalagyan na ng tag ang halos lahat ng bus na nakikitang pumapasada sa kahabaan ng EDSA at ibang lugar sa Metro Manila. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply