Mobile ng TV5 nag-counter flow, pinahuli ni PNoy

MISMONG si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang nagpahuli sa news mobile ng TV5 matapos na mag-counterflow sa kalsada ng Roxas Blvd., Biyenes ng umaga.

Mismong ang motorcycle escort ni Pangulong Aquino ang nagkumpirma na ito ang mismong nag-utos sa kanya na hulihin ang news mobile ng naturang istasyon ng telebisyon na pag-aari ng business tycoon na si Manny Pangilinan.

Bago ito, napag-alaman na nagmamadali pabalik ng Palasyo mula sa coverage sa Pasay City ang crew ng TV 5 nang bigla itong mag-counterflow sa tapat ng Cultural Center of the Philippines (CCP) patawid sa Roxas Boulevard sa Pasay City.

Eksakto namang nakatigil ang convoy ng Pangulong Aquino sa Roxas Blvd. dahil sa red traffic light kaya nang makita ang paglabag sa batas trapiko ay iniutos ng Pangulo sa kanyang police escorts na hulihin ang naturang news mobile.

Hindi naman nabanggit sa ulat, kung sinong television reporter ang sakay nito at kung sino rin ang nagmamaneho ng naturang news mobile.

Bukod dito, hindi rin nabangggit kung tinekitan ng awtoridad ang drayber ng TV 5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply