Model OFW family pararangalan

NAGSIMULA nang tumanggap ng mga nominasyon ang Overseas Workers Welfare Administration–Cordillera Administrative Region (OWWA-CAR) para sa pagpili ng 2011 Model OFW Family of the Year Awards (MOFYA).

Sinabi ni OWWA-CAR regional director Manuela Peña, na layunin ng MOFYA search na mabigyan pansin at kaukulang parangal ang mga OFW na nagsakripisyo ng lubos na pagtatrabaho sa labas ng bansa nang hindi napapabayaan ang kanilang mga pamilya.

Binigyang diin ni Peña na hindi lamang ito pagpili sa mga OFW na naging matagumpay sa kanilang career abroad kundi tagumpay din sa pagtataguyod ng kanilang pamilya mula sa kanilang paghihirap.

Ang screening committee ng CAR ay nakatakdang pumili ng dalawang magwawagi para sa regional level, isa mula sa sea-based at isa mula naman sa land-based.

Ang nominasyon ay maaaring isumite ng mga local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), religious, at socio-civic organizations.

Ang nominasyon ay maaaring isumite hanggang September 16 sa tanggapan ng OWWA-CAR regional office sa ground floor ng Manongdo building sa Private Road, Magsaysay Avenue. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply