Moderno na!

ILAN sa mga kontrobersyal na isyu ngayon ay nag-iimbita sa atin na mag-isip at magdesisyon ayon sa kung ano ang totoo at kung ano ang importante sa bayan.

Halimbawa ang RH bill, labag daw sa prinsipyo ng simbahan ayon sa kontrobersya pero makatutulong daw sa mahihirap sa pagpaplano ng pamilya kaya tulong naman sa ekonomiya.

Isa pang isyu ang pagmimina. Kailan lang ay sumalang sa deliberasyon ang Department of Energy and Natural Resources (DENR) sa Kongreso sa isyu ng pagmimina.

Mayaman ang Pilipinas sa mineral resources, isang regalo ng langit na nakabaon sa lupa.

Pero may kontrobersya. Sinisira raw ng pagmimina ang likas na kayamanan. Pero ang sabi nga ng isang sikat na Pilipinong geologist, anong bagay nga ba ang nakikita natin sa ating kapaligiran ngayon, sa moderno nating buhay, ang hindi galing sa pagmimina?

Ang kayamanan na nakabaon sa ating mga lupa ay biyaya ng Panginoon.

Hindi iyon inilagay doon para tayo ipahamak kundi para makatulong sa atin.

Saan ba galing ang kontrobersya tungkol dito? Isa ang isyu ng iligal na pagmimina.

Pero hindi dapat na iwasan natin ang isang bagay, tulad ng responsableng pagmimina, dahil lang sa ilan na lumalabag sa batas.

Nakasalalay sa isang matatag na pamahalaan ang pangangalaga sa ating likas na yaman para ma-enjoy naman natin anoman ang bigay ng Diyos.

Nababasa ko nga ang mga proyekto ng responsableng mining companies gaya ng isang Sagittarius Mining sa South Cotabato na nabangit sa DENR hearing sa Congress. May water management project daw sila, may reforestation project pa, nagbibigay sila ng edukasyon at trabaho sa mga kababayan natin sa SoCot, gumagawa sila ng mga silya para sa mga eskwelahan at higit sa lahat, may malawak na pag-aaral sila para mapoprotektahan ang kagubatan doon dahil gumagamit na raw sila ng modernong paraan para mapakinabangan natin ang ating likas na yaman.

Panahon na para maging moderno ang pag-iisip ng Pinoy. Bago pumili ng papanigang opinyon ay mag-aral, magtanong-tanong, mag-research, dahil dalawang panig meron ang isang kontrobersyal na isyu – ang panig na mali o gawa-gawa lang at ang panig na tama o totoo naman. Pumili tayo ng wasto.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply