Motorcycle race of champions sa Mindanao

NAGPASIKLABAN ang mga Mindanao riders sa ikatlong round ng Colt 45 MotoROC Motorcycle Race of Champions na ginanap noong Linggo, ika-14 ng Agosto.

Nagsilbing entablado ng mga racer at motorcycle enthusiasts ang parking lot ng Limketkai Mall sa CDO, kung saan naging mahigpit ang naging labanan hindi lamang ng karera kundi pati ng “dating” at disenyo ng mga bike.

Nagwagi bilang Best in Bike Modification si Michaela Ador habang ang Best in Engine Modification naman ang napunta kay Jamaica Diamante.

Pinangunahan ni Jay-R Daguio ang karerang pang-180 scooter, sumunod si Rheyniel Lozada at si Chris Samoga na siya namang nanguna sa 160 open scooter.

Naghari naman si April King Mascardo sa parehong kategorya ng Superstock (115 at 125), habang naiuwi rin ni Daguio ang unang pwesto para sa 150 Open 4-stroke. Pumangalawa si Joven Millana kay Mascardo sa 125 Super Stock kasunod si Paim Onahon habang sina Dean John Simangan at Rexkin Maki Putin naman ang nakakuha ng ikalawa at ikatlong pwesto sa 115 superstock.

Muli rin namang naka-podium finish si Samoga nang maagaw nito ang ikalawang pwesto para sa 150 Open 4-stroke mula kay Roland Ganotise na nalaglag sa ikatlong pwesto.

Gayunpaman, wagi pa rin si Ganotise sa 115 modified, kasunod ni Rico Cagnaan at Anver Antonio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply