Motorista pinayuhang umiwas sa re-blocking

PINAYUHAN ang mga motorista na maghanap na alternatibong ruta upang hindi maabala sa mga pagsasaayos ng mga kalsada sa Metro Manila ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa long weekend, ang DPWH ay abala na sa pagsasaayos ng ilang pangunahing lansangan at ang ginagawang re-blocking sa Metro Manila.

Ito ay sisimulan na bukas, Agosto 28, at inaasahang matatapos bago bumalik ang regular na araw sa Miyerkules.

Mas mabuti umanong dumaan sa mga lugar na hindi sila maabala.

Gayunman, kailangan ding mag-ingat dahil nasabayan pa ng pag-ulan dulot ng bagyong Mina.

Kabilang sa mga lugar na may road repair at re-blocking ay ang Manila, Quezon City at iba pang bahagi ng National Capital region (NCR). Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply