Motorsiklo sumalpok: bagets dedo, 1 pa sugatan

PATAY ang isang binatilyo habang sugatan ang kaangkas nito matapos bumangga sa isang kongkretong poste ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa bayan ng Daraga, Albay.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Arvin Malbar, 18, at Jinchard Balbin, 17, pawang residente ng Purok 3, Maroroy, Daraga, Albay. Namatay sa aksidente si Malbar samantalang sugatan naman si Balbin at kasalukuyang naka-confine sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa Daraga PNP, hindi pa malinaw sa kanila kung papaano bumangga ang sinasakyan ng dalawa sa poste ng isang telecommunication company.

Patuloy na kumukuha ng mga testigo ang kapulisan sa Purok 5, Mororoy, Daraga kung saan naganap ang insidente para matukoy ang eksaktong dahilang ng kanilang pagkaaksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply