MRT balik-operasyon na uli

IDINEKLARA ng “fully operational” ang nagkaaberyang Metro Rail Transit (MRT-3) kaninang pasadong alas-onse ng umaga sa Edsa.

Matapos ang mahigit isang oras ay kinumpirma ni Hernando Cabrera, spokesman ng MRT na balik-operasyon na bandang alas-12:16 ng tanghali ang MRT.

Ito ay makaraang agad na makumpuni ang depektibong switch track sa 15-A South Bound Track ng North Avenue.

Base sa visual inspection ng Department of Transportation and Communications (DOTC) personnel nagkaproblema sa signalling system na nagsisilbing traffic lights sa mga tren para matiyak ang ligtas na pagbiyahe sa riles.

Sa nangyaring aberya, daan-daang pasahero ang naistranded na walang nagawa kung hindi ang bumiyahe sa lupa na naging dahilan naman ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply