MTPB ibang klase kung mangotong sa pilahan

UMAALMA ang tagapamahala ng pilahan ng mga jeep sa Padre Rada/Juan Luna dahil sa sobrang manghingi ng ‘tara’ ang hepe ng Mantika Toyo Patis at Bawang (MTPB).

Sobra raw kung manghingi ng lingguhang ‘tara’ ang hepe ng Mantika Toyo Patis at Bawang na si Luna na hindi kamag-anak ni Juan Luna.

Tuwing araw ng Sabado kung ipakolekta ni Luna ang ‘tara’ niya sa ‘aso’ niyang si MTPB Pascua.

Alam kaya ni MTPB chief Nancy Villanueva ang pangongotong ng mga tauhan niya sa MTPB?

Basahin ninyo, Miss Villanueva, ang  mga reklamo sa inyong mga tauhan.

Sir Johnny, gud pm. Isa ako sa mga namamahala  ng pilahan ng jeep dito sa Padre Rada at Juan Luna. Sobra na po yung ‘tara’ namin sa commander  ng MTPB na si Sir Luna. Yung  tagakolekta naman niya ay si MTPB Pascua na kada Sabado kung kolektahin ang tara. Dati sa isang  jeep ay P300 lang ang kotong  nila, ngayon ay P500 na kada Sabado. Sir Johnny, wag na sana ninyong ipaalam ang number ko. Sir, ang saktong lugar na kinukunan nila ng tarang P500 kada Sabado ay Padre Rada cor Juan Luna, ‘yung  pilahan na biyaheng Velasquez saka Bangkusay, Navotas, Gasak, pati ‘yung pilahan ng Don Bosco. Sa pamamagitan ng kolum ninyo, harinawa’y matigil na ang kotong.

ACC WALANG KWENTANG CAR DEALER

Ang sakit ng nangyari sa buhay ni Ernesto Lim na sa pagtitiyaga niyang makaipon ng pera ay nabili niya ang matagal na pangarap niyang modelong BMW 320D sa Asian Carmakers Corp (ACC). Wala pang dalawang taon ay tumirik na kaagad ang mamahaling sasakyan.

Sakop pa ng warranty ang  BMW pero ayaw palitan ng ACC. Ayaw palitan ng ACC ang BMW ganung hindi na uubra ang kumpuni lamang sa kotse dahil labis ang mahal ng piyesa.

Anomang reklamo o puna itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply