Mula nang mawala sa buhay niya si Kris!: James Yap wala ng dating sa mga utaw

AMININ man sa hindi, my BFFT Pete A., ni Papa James Yap, nawalan na talaga siya ng arrive sa mga utaw magmula nang mawala sa buhay niya ang ex-wife na si Kris Aquino.

Iba pa rin talaga ang dating ng sikat na baskeeter nung mga panahong nagsasama pa sila ni Kris sa iisang bubong na kahit saan siya magpunta lalo na kapag kasama niya ang ex-wife ay talagang pinagkakaguluhan siya ng publiko. But now, since maghiwalay sila ng Queen of Talk, unti-unti nang nawala ang dating ni Papa James. ‘Yung mga fans na lang nito sa kanilang team sa PBA na B-Meg Derby Ace na lang ang atat na makita at suportahan sila sa kanilang games.

Kita nyo naman, iba pa rin talaga ang arrive ni Kris kasi kahit na nali-link na si James sa mga famous rin namang celebrities na sina Isabel Oli, Grace Lee at ang pinaka-latest na nauugnay rito na You Tube sensation na si Marie Digby ay wala na talagang ingay pa ang name ng sikat na sikat noong player.

Saka, bakit parang nawawala na rin ‘yung celebrity aura ni James at nagiging parang ordinaryo na lang ang dating niya. Naku! Dong kaybata mo para maging matured-looking kaya’t ayusin mo naman ang sarili mo. Dong, gyud ang tawag ko ha ha ha!

***

Labanang walang patid pakatutukan gabi-gabi sa ‘Guns And Roses’

LAHAT nang utos ng kanilang Superior Inspector sa STING na si Pinky Amador ay sinusunod lahat ni Abel (Robin Padilla) na para hindi makilala at malaman ang tunay na pagkatao sa sinamahang malaking sindikato na pinamumunuan ni Rico Bartolome (Lito Pimentel) na dating kasamahang pulis na pinagkaisahan ang ama at nagbintangan na ito ang pumatay sa kasamahan din nilang pulis na naging sanhi ng pagkabaliw nito.

Ngayon ay hindi lang ang kanyang tatay ang ipinaghihiganti ni Abel kundi gusto rin nitong proteksiyonan ang pinakamamahal na babae sa kanyang buhay na walang iba kundi si Reign Santana played by Bea Alonzo.

Maingat si Abel at hanggang ngayon kahit sinisiraan pa siya ng naiingit sa kanyang tauhan ni Rico ay Samuel pa rin ang pagkakakilala sa kanya ni Rico. Umaatikabong labanang walang patid ang mga eksenang mapapanood natin ngayon sa nasabing action-serye. Lahat ng fans ni Binoe ay gustung-gusto ito kaya’t gabi-gabi ay tinututukan talaga nila ang astig na teleseryeng ito na pinagtutulungang i-direk nina Trina Dayrit at Rechie del Carmen.

And this week episode ay makikita na ni Abel ang tiyuhing si Pen Medina na miyembro rin ng hawak na sindikato nina Rico at Don Lucio Dela Rocha (Mark Gil) na lantaran ding nagtraydor sa kanyang ama noong pulis pa ito.

Tuluyan na kayang magkita uli ang magtiyuhin dahil, ipapakilala nito si Abel rito? At si Onat portrayed by Ejay Falcon sa pagsugod nito kasama ang mga kapuwa alagad ng batas sa hide-out ni Rico at mga tauhan kabilang na ang ang Kuyang si Abel para mahuli ang mga ito, ano ang maaring mangyari sa pagkikita nilang ito ng kinasusuklamang kapatid na lingid sa kanyang kaalaman para rin sa kanila kaya iniwan siya nito noon at ang kanilang Nanay na si Liza Lorena? Susuko kaya kay Onat si Abel? At si Reign na sumusuko na sa pag-ibig niya kay Abel dahil parati itong nawawala sa tabi niya, magbago pa kaya ang desisyon nito kapag muli silang nagkita ng minamahal na nobyo?

‘Yan at ang iba pang mga kapana-panabik na tagpong aksiyon at drama at dapat ninyong panoorin sa Guns and Roses mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Primetime Bida pagkatapos ng “My Binondo Girl.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply