Muling pagbubukas ng Bicol Express tiyak na

TIYAK na ang muling operasyon ng tinaguriang Bicol Express sa Setyermbre makaraan itong nagka-abrerya nitong nakaraang buwan.

Ang pagtitiyak ay ipinahayag ni PNR-NAGA operations manager Constancio Toledano kasunod ng puspusang pag-aayos sa mga riles ng biyaheng Manila-Naga at Naga-Manila.

Sinabi ni Toledano, kailangang maayos na ang Bicol express lalo na’t papalapit na ang Peniafrancia Festival.

Ayon pa kay Toledano, inaayos na rin nila ang mga riles sa Laguna at Quezon para maging mas moderno at kongkreto ang mga ito.

Magugunitang isang buwang itinigil ang biyahe ng Bicol Express matapos itong ilunsad dahil sa aberya sa ilang equipment dito.

Napilitan umanong huminto sa Sipocot, Camarines Sur ang train ng Bicol Express noong ika-30 ng Hunyo dahil lumambot ang lupang kinalalagyan ng riles dahil sa patuloy na pag-ulan.

Sa ulat ng Philippine National Railways (PNR), minabuti ng driver na huwag na munang ituloy ang biyaheng Naga upang masiguro ang kaligtasan ng mga sakay nito.

Ang nasabing biyahe pa naman ang soft launching ng PNR na may 100 pasahero ang tren nang umalis ito sa Maynila kagabi.

Ayon pa kay PNR spokesman Jera Sison, nagiging problema rin ang matataas na damo sa gilid ng riles na nagiging dahilan ng paminsan-minsang paghinto nito para linisin ang filter.

Dahil sa aberya, posibleng umabot ng 12 hanggang 15 oras ang biyahe mula sa target time na 10 oras lamang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply