Multa sa ‘di susunod sa student fare discount

IPINAPANUKALA ni comedian-actor at ngayon ay Quezon City 2nd district councilor Roderick Paulate na dagdagan ng ngipin ang batas upang maobliga ang mga driver ng pampasaherong mga sasakyan na bigyan ng discount ang bawat estudyante sa mga araw na may pasok.

Ayon kay Paulate, dapat lamang pagmultahin o makulong ang mga drayber ng public utility vehicles kung hindi magbibigay ng diskuwento sa mga estudyante mula sa pre-school, elementarya, high school hanggang sa kolehiyo.

Sa kanyang panukalang ordinansa, papatawan ng P1,000 multa ang hindi magbibigay ng diskwento sa pamasahe sa unang paglabag, P2,000 naman sa ikalawang paglabag; at P3,000 o anim na buwang kulong sa ikatlong paglabag.

“The fare discounts cannot be fully implemented and realized if the PUV drivers will not cooperate and will continue to willfully disregard the discount requirement,” giit ni Paulate sa press release na inilabas ng siyudad.

“Giving discount to students is reasonable especially if the students belong to the underprivileged families who rely on public transport,” dagdag pa ng konsehal.

Kapag naaprubahan, ang Department of Public Order and Safety (DPOS), Quezon City Police District (QCPD) at ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakatalaga sa QC ang mahigpit na magpapatupad ng nasabing ordinansa.

Kabilang sa PUVs na nabanggit ay ang mga bus, dyip, taxi at tricycle.

Alinsunod sa Memorandum Circular Number 2011-004 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dapat na maggawad ng diskuwento sa pamasahe ang PUV operators para sa mga estudyante sa araw na may pasok sa eskuwela.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply