Mungkahing prisoner swap ng mga rebelde binasura ng GRP

MARIING tinanggihan ng Government of the Republic of the Philippine (GRP) Peace panel  ang demand ng mga rebelde na magkaroon ng prison swap sa Communist Party of the Philippine (CPP)-NPA-NDF.

Ang mungkahing prison swap ay binasura ni GRP Peace Panel Head Alex Padilla na nakikipag-usap sa CPP-NPA-NDF matapos mapaulat na demand ng mga rebelde na prisoner swap o palitan ng hawak na bilanggo.

Ang prisoner swap ay para sa pagre-release kay Mayor Henry Dano ng Lingig, Surigao Del Sur.

Sinabi ni Padilla na kapag pinagbigyan ang naturang demand ng New People’s Army, hindi na aniya matitigil ang nasabing hakbang sa mga susunod na gagawing pagdukot ng mga rebelde.

Hindi umano dapat bumigay ang gobyerno at mga awtoridad sa nasabing blackmail ng rebeldeng grupo.

Sinabi ni Lingig PNP Chief Inspector Ignacio Serrano, Jr. na nagpadala ng feeler ang NPA para ipalit si Dano sa dalawang miyembro nito na nahuli sa Davao at sa Mati, Davao Del Sur.

Una nang ibinasura ni GRP Peace Panel Head Alex Padilla ang prisoner swap na demand ng NPA para palayain si Dano.

Dahil dito’y posibleng mabalam ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP NPA NDF sa susunod na buwan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply