Muntinlupa mawawalan ng kuryente mamayang gabi

PINAGHAHANDA ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga consumer sa Muntinlupa na magkakaroon ng power interruption sa lugar mamayang gabi (Lunes, Agosto 22).

Sa Twitter advisory ng Meralco, pansamantalang mawawalan ng kuryente ang Barangay Tunasan, Muntinlupa dakong 11:30 ng gabi hanggang bukas ng 4:30 ng madaling araw

Ang interruption ay kaugnay sa gagawing pagkukumpuni at pag-aayos ng mga kagamitan sa bahagi ng national higway na nasasakupan ng naturang baranggay.

Kabilang sa mga maaapektuhan ng power interruption ang Kleen Living, Nadeco Realty Corporation at SM Muntinlupa.

Pinapayuhan din ng Meralco ang mga consumer na paghandaan ng magaganap na power interruption lalo na sa mga establisimiyentong
gumagamit ng elektrisidad.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply