Murang pabahay ng National Press Club

SA wakas magkakaroon na ng bahay ang mga miyembro ng National Press Club na hanggang sa kasalukuyan ay nangungupahan o yung iba ay sa squatter pa nga naninirahan.

Dahil sa kabutihang loob ni NPC Pres. Jerry Yap, VP Marlon Purificacion, Sec. Louie Logarta, Auditor  Rolly Gonzalo, Dirs. Joey Venancio, William Depasupil, Percy Lapid, Butch Quejada, Kristina Maralit, Joel Egco, Nats Taboy Mina Navarro at Freddie Manalac ay matutupad na ang matagal nang pangarap ng mga miyembro na magkaroon ng sariling bahay.

DISENTENG PABAHAY

Sa halagang abot-kaya  ng mga miyembro ay maaari na kayong magsumite ng inyong letter of intent sa NPC. Ito ay pabahay na kinabibilangan ng 48 bahay na itatayo sa 2,960 sqm. na lupa na matatagpuan sa Pulilan, Bulacan.

MALAYO ANG PULILAN?

Simula sa sinasabing lupa na matatagpuan sa Brgy. Ti-bag, Pulilan Bulacan, hanggang sa Monumento LRT station ay aabot lamang ng  20 minuto ang biyahe.

Dahil ang Brgy, Tibag ay nasa gilid lamang mismo ng Pulilan exit ng North Luzon Expressway.

Ang komunidad na ito ay residential area kung saan malapit sa eskuwelahan, simbahan ng iba’t ibang sekta at pamilihan.

Sa madaling salita, hindi gaya ng ibang pabahay na nasa masukal na lokasyon na kailangang maglakbay ka muna ng ilang kilometro bago ka makabili ng suka o ng mantika.

PAG-IBIG FUND ANG SUSI

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na ang NPC sa PAG-Ibig fund para matulungan ang mga miyembro na makabili ng murang bahay na kung sasabihin nga ay liveable at affordable.

BAKIT NASABING AFFORDABLE?

Walang developer na kinuha ang NPC sa halip ay contractor ang kinuha nito para yung mismong gagastusin lang sa proyekto ang babayaran at wala nang developer na sana ay tutubo pa sa proyekto.

Sa madaling salita mismong NPC na ang tatayong developer sa nasabing proyekto na ang gagamiting pondo ay ang P6 milyon na inilaan natin noong kasalukuyang ang inyong lingkod pa ang pangulo ng NPC.

Ginagawan na rin ng paraan ng NPC na umabot lamang sa P50,000 ang equity at P5,000 buwan buwan ang installment sa nasabing bahay para maging affordable nga talaga ito sa isang working journalist.

IILAN LANG ANG MAKIKINABANG

Mahigit 2,000 ang miyembro ng NPC, bakit 48 lang ang pabahay na gagawin?

Yan ang madalas na katanungan na ibinabato sa atin.

Umpisa lang po ito ng pabahay project ng NPC kung saan pinag-aaralan na rin ang susunod na proyekto na 3 ektaryang pabahay para naman sa kapakinabangan ng mahigit 300 miyembro.

Pangarap ng ULTIMATUM na hanggang sa taong 2020 ay umabot o humigit pa sa 1,000 miyembro natin ang magkabahay.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

GINTO SA CAMARINES NORTE

Good am. Dito ko na lang ipaaabot ang hinaing ng mga taga-Camarines Norte. Dito especially sa j. Panganiban at Paracale, daang kilo ang namimina ng mga small scale mining especially in Sapang Palay.

At dito, wala nang tulugan ang mga tao at kilo-kilo rin ang bilihan ng droga. Madali rin ang pagpatay ng tao, marami kasi pera madaling bumayad sa PNP  at Philippine Army. Kahit di naka-assign dito, OK lang basta pag-uwi mo, may gramo ka ng ginto. Magpapunta ka ng uzi mo at pinakamababang kalibre ng baril dito ang Galil o AK-47 +63908216….

KAPAG PULIS BARILIN AGAD

Dapat sisihin sa hostage taking last year ang lahat ng mga pulis na opisyal. Kapag karaniwang tao ang nang-hostage binabaril na ninyo agad. Kapag pulis ang nang-hostage, bakit with special treatment pa? Dapat antimano, binaril na agad ninyo si Mendoza para s’ya na lang sana ang namatay. Pati gobyerno bina-black mail niya. +63930950…

MAGNANAKAW SA PASIG MARKET

Good pm, sir. Pakitawagan naman po ng pansin ang mga namamahala rito sa palengke ng Pasig City. Laganap ang snatching, hold-up at mga pandurukot. Malalakas ang loob kahit may mga nakakikita sa kanila, wala kasing mga pulis na nagbabantay rito. +63921537….

SCH. CALENDAR vs DENGUE

Sir, good am po! Nakalulungkot isipin na maraming namamatay sanhi ng dengue. Ang grabeng apektado rito ay ang mga bata. Sana po isulong na lang yung panukala na palitan na ang school calendar, para maiwasan ang mga sakuna kapag sasapit ang tag-ulan. +63909760….

SINDIKATO SA 9207 PROJECT

Sindikato sa palupa sa QC ang mga project engineer ng national government center at National Housing Authority. Utak sina OIC Eng. Antonio del Rosario, Eng. Pedrito Lavina at iba pa.  Nagkakaisa sila sa palupa at pati ang HOA lider, kasabwat din sa 9207 Project na puno ng korapsyon. PNoy,  gising! Korapsiyon sa 9207 project buwagin. +63947719….

PULIS TRAPIK SA DIVISORIA

Good day, Sir benny, Isa lang po akong concerned citizen na laging sumasakay ng jeep papuntang Divisoria. Nakikita ko lng po lagi na ka-wawa ang mga driver ng jeep. Kasi lagi silang may kotong sa may Abad Santos sa araw at gabi. Ang dami pong collector. Pagdating sa Divisoria, mismo Dagupan, ay meron ding mga pulis na may hawak sa kanila, may mga kota pa! +6394886….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply