‘Murder’ sa pulis na bumaril sa Fil-Norwegian

KAKASUHAN ng murder ang isang miyembro ng Manila Police District (MPD) na umano’y bumaril at nakapatay sa isang turistang Filipino-Norwegian sa Timog Avenue, Quezon City nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), sasampahan ng kasong murder si PO1 Harold Meneses.

Binaril at napatay umano ni Meneses si Mikael Troy Rasay,18, na pansamantalang nakatira sa Barangay Capitolyo,Pasig City.

Positibong itinuro ng apat na testigo ang pulis-MPD na siyang bumaril kay Rasay.

Tumugma rin ang hitsura ni Meneses sa inilabas na sketch ng QCPD.

Tumibay ang ebidensiya laban kay Meneses matapos mapasakamay ng mga awtoridad ang deposit slip ng .9mm na baril nito na kanyang idineposito sa kalapit na establisyemento matapos ang insidente.

Nasawi si Rasay habang ginagamot sa Capitol Medical Center dahil sa tinamong tatlong tama ng baril sa likod.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang nasugatang biktima na si Arjay Lagdameo, 22, binata, tubong Zambales, ng B-18 L-9 Jackson Drive, Boardway Pines, Mayamot, Antipolo,Rizal.

Noong nakaraang Linggo, kalalabas pa lamang umano ng biktima kasama ang mga witness na sina Jovy Katagiri at Maria Cristina Espina sa Excess Superclub dakong ala-singko ng madaling araw nang maganap ang krimen.

Hindi pa rin sumusuko ang suspek sa mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply