Muslim nagtipon sa pagtatapos ng Ramadan

MADALING ARAW pa lamang ay nagtipun-tipon na ang mga Muslim sa labas ng kanilang tahanan o sa mga mosque upang magdasal para sa eid’l fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

Ayon kay Nash Pangandanum ng Bangsamoro Freedom Alliance, magkakaroon ng sermon ang Imam kasunod ng isang maigsing panalangin saka bibisitahin ng mga Muslim ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan at mamimigay ng regalo partikular sa mga bata at pagkain sa mga kapuspalad.

Gayundin ang pagtawag sa malalayong kamag-anak upang magbatian na magpapatuloy sa loob ng tatlong araw.

Ngayong araw, Agosto 30, ang pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno. Kakain ng masasarap na pagkain ng mga Muslim bilang pagdiriwang na natapos nila ang kanilang buwan kung saan sa loob nito hindi sila maaring kumain mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.

Kapag nasilayan na ang buwan idedeklara na ng mga pinuno ng islam ang eid’l fitr. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply