Naarestong tirador ng dentista kinilala na

UPDATE: EX-CONVICT na tinaguriang “dentist tirador” ang nadakip ng operatiba ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Albert Galang Dela Cruz, 32, ng Pilar Village.

Ang suspek na si Dela Cruz ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Marry Anne Rivera, ng Branch 48, Regional Trial Court ng San Fernando, Pampanga, dakong 5:30 ng umaga mismo sa tinitirhan sa Las Piñas City.

Sa record ng pulisya, nabatid na ang nasabing suspek ay nakulong sa Bureau of Correction noong 2004 dahil sa kasong robbery at nakalaya lamang noong 2009.

Nabatid na si Dela Cruz ay tinaguriang dentist tirador dahil sa panloloob at panghihipo sa mga dentista na binibiktima nito.

Kung saan positibong itinuro ang suspek ng ilan sa mga naging biktima nito, dahilan upang kasuhan agad ng pulisya.

Nabatid na unang nadakip ang kasabwat ni Dela Cruz na si  Ronald Bulalacao, sa tahanan nito sa Barangay Silangan, Quezon City noong Agosto 24 dahil na rin sa bisa ng arrest warrant  na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court, Branch 85. Sa ngayon ay nasa custody ng NCRPO si Dela Cruz.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply