Death toll ni ‘Juaning’ 66 na; 17 pa nawawala

UMABOT na sa 66 ang bilang ng naiwang patay ng bagyong “Juaning” sa bansa, habang 17 pa rin ang naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nawawala.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, 49 sa mga nasawi ay nagmula sa rehiyon ng Bicol at 12 naman ay mula sa Masbate.

Pinangangambahang tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa ang nawawala.

Tinataya ring nasa mahigit P1 bilyon na ang halaga ng pinsalang idinulot ni Juaning sa sektor ng imprastraktura.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply