Nadale ni Juaning 57 na: ‘Mina’ nagbabanta

TINATAYANG 57 na ang nitalang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong “Juaning.”

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nadagdag sa mga namatay ay dalawang katao sa Camarines Sur, isa sa Camarines Norte at dalawa sa Masbate.

Kaugnay nito, nagbabala na ang  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga residente ng rehiyon ng Bicol na posibleng pumasok sa bansa sa Miyekules ang isa pang bagyong  tatawaging” Mina.”

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, sakaling hindi magbabago ang direksyon ng nabanggit na low pressure area, malaki ang posibilidad na maging tropical depression ito sa Linggo, Agusto 7.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply