Nadine Samonte, madalas nakikitang ka-date si Leandro Muñoz

LOVELESS bang muli si Nadine Samonte? Kasi madalas na ngayon silang napagkikikita ni Leandro Muñoz sa Morato at iba pang gimikan na magkasama. Either silang dalawa o may mga kasamang artista.

Di dati ganito si Nadine, pero ngayo’y madalas lumabas at kasama pa ang kanyang leading man sa The Sisters, si Leandro. May nakakita sa dalawa ng 2 a.m. nung isang araw na nagkakape sa StarBucks Morato.

Masinsinan ang kuwentuhan ng dalawang stars. Sabi nung mga nakakita, hindi lang bonding ang nagaganap sa dalawa. Dahil parang seryoso at sweet sila sa isa’t isa?

Ibig bang sabihin nito’y may problem si Nadine sa kanyang love life o single na naman siya? Totoo kayang nagkakalabuan na naman sila ng kanyang matagal nang boyfriend na non-showbiz?

Anyway, kung may problema ngayon si Nadine sa puso, masaya naman ang kanyang career dahil kasama siya sa cast ng first soap ni Nora Aunor sa TV 5, ang “Sa Ngalan ng Ina.”

Dito’y bida-kontrabida ang role niya. Magiging madrasta niya si Nora. Mamamatay agad kasi ang role ni Bembol Roco na asawa ni Nora. Politician si  Bembol na ama ni Nadine. Papalit sa posisyon niya ay si Nora.

Challenging kay Nadine ang role dahil ang Superstar ang kanyang makakaeksena. Kasama rin dito si Christopher de Leon.

000

SPEAKING of Leandro Muñoz, bago pala bumalik sa showbiz sa Pilipinas ang actor na nanggaling ng America, balitang divorced na siya sa kanyang second wife. Walang anak sa ikalawang asawa si Leandro. May anak siya sa unang asawa, na nauna na niyang na-divorce.

Balitang pareho nang may commitments ang dalawang naging asawa ni Leandro, kaya libre na siyang makipag-date kay Nadine ngayon.

Halatang in love daw si Leandro sa beauty at kabaitan ni Nadine. Parang na stars-truck daw si Leando sa kanyang leading lady sa The Sisters.

Pagkatapos ng The Sisters sa September, ipapalit agad ang Sa Ngalan ng Ina, ang first solo soap ni Nora Aunor sa TV5.

000

SOBRA talagang athletic si Bea Binene. Aba, “minani” lang niya ang pagkick ng bola ng football. May eksena kasi sa pelikulang Tween Academy Class of 2012 na nakalalaro ni Bea ang team ng Azkals.

Bago kunan ang eksena, kinailangan munang magpaturo ng tamang pagkick ni Bea. Aba, nagulat ang mga tagapagturo niya na mula sa Azkals na madaling matuto si Bea sa pag-kick.

Sabi nga’y sana’y sumipa si Bea. Hindi lang alam ng mga taga-Azkals na champion at medallist si Bea sa mga Wushu championship competition. Medyo di lang nakalaro si Bea sa ngayon ng wushu dahil sa super busy siya sa kanyang pag-aartista. Bukod sa Tweeen Hearts, tuwing Sunday na tampok sa Reel Love pagkatapos ng Party Pilipinas, ginawa nang isa sa bida si Bea sa soap “Pahiram ng Isang Ina.” Parehong bida sila sa soap ng ka-love team niyang si Jake Vargas. Simula na sa Monday ang Pahiram ng isang Ina na kung saan kasama nina Bea at Jake sina Carmina Villarroel, Maxene Magalona at Marco Alcaraz.

Sa Sunday, kaabang-abang ang istorya ng Tween Hearts dahil magkakaroon ng campus election. Malalaman na rito ang magiging leader ng group.

Magkaaway-away kaya ang magbabarkada dahil sa election?

000

SUWERTE si Sen. Bong Revilla dahil sa entry niya 2011 Metro Manila Film Festival ay tatlong big stars ng GMA 7 ang kasama niya sa movie na Panday. Kabilang dito ang reyna ng primetime ng GMA 7 na si Marian Rivera, Iza Calzado at Rhian Ramos.

Almost one year in the making ang movie na Panday ni Sen. Bong kaya super pulido ang pagkakagawa na comparable na raw sa Hollywood.

Anyway, kahit anong trabaho kay Bong ay lagi niyang pinagbubuti. Tulad na lang ng kanyang Kap’s Amazing Stories ngayong Sunday pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Tampok ang four seasons forest na kumakalinga sa iba’t ibang hayop, lalo na ang mga migratory bird na sa forest sila nagnganganak. Tumatangkilik din sa mga gumagalang hayop para sa kanilang pagkukunang pagkain para mabuhay sa ibabaw ng earth.

May mga katanungang sasagutin si Sen. Bong na tulad ng: Totoo bang may uri ng  hayop na magpapakabusog para hindi kumain ng isang taon?

Kapag ba may isang puno na ubod ng laki, puwede bang magmalaki sa ibang puno?

Kapag maliit kang nilalang, puwede ka bang may ipagmalaki?

000

LUBOS na ipinagmamalaki ni Michael V ang lumalabas na anak niya sa Pepito Manaloto na si Joshua Pineda na nakapag-uwi ng karangalan sa Pilipinas sa pagkasungkit sa tropeyo na Junior Grand Champion Performer ng WCOPA (World Championship of Performing Arts) na ginanap pa sa Hollywood, California.

Noon pa hanga si Bitoy kay Joshua dahil kapag nagpapahinga ang mga nasa set ng Pepito Manaloto ay nagpaparinig ito ng kanyang mga awitin.

Sobrang belib si Michael V sa bata kaya hindi siya nabigla na nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas ang bata.

Asahan sa isang episode ng Party Pilipinas ay bibigay ng tribute ang kagalingang ipinamalas ni Joshua sa Hollywood sa pag-uuwi ng karangalan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply