Nag-date na sa Hong Kong, Paris: Phil Younghusband di pa kilala ni Angel Locsin

HAYAN na nga’t dahil wala namang sinisipang bola si Phil Younghusband dahil pahinga muna ang Azkals sa football game, nagagawa nito ngayong bumuntut-buntot kay Angel Locsin.

Buong ningning namang inamin ni Angel na sumunod nga sa kanya si Phil at talagang masaya raw siya sa ginawang ito ng football player. Na-feel niya ang love sa city of love, huh!

“Masaya kami. Nakapagbakasyon kami doon. Kasi hindi naman namin nagagawa ‘yon dito sa Manila.

“Sumunod siya? Oo, sumunod siya sa Paris. Siyempre masaya at sinundan ka sa Paris,” nakangiting sabi ni Ms. Locsin.

Bagama’t hindi pa naman talaga nagagalugad ng magaling na aktres ang Paris, pero naging tourist guide raw siya ng Azkals’ heartthrob na lumaki sa Europe. Hehehe!

“Nakapunta na siya noon kaya lang hindi siya naka-ikot. Nandoon yata siya noon para sa match. Ngayon lang siya nakalibot.”

At ang nakapagtataka naman sa Kapamilya star na ‘to, hindi pa raw niya nakikilala ng lubusan si Phil samantalang nagkasama na silang namasyal sa Hong Kong at ngayon sa Paris at kung saan-saan pang sulok ng Pilipinas.

“Actually nahihirapan na akong humarap sa inyo kasi parang pare-pareho lang ang sinasabi ko, at kapag may sinabi ako hindi naman naniniwala. Basta ako gusto ko munang kilalanin ang isa’t isa. Ganoon din siya. Masaya naman kami.”

Anyway, my reunited team up uli si Angel at John Lloyd Cruz after ng “Imortal,” this time, ito ay movie project under ABS-CBN’s Star Cinema. “I Honestly Love You” ang working title nito.

‘Yun na!

***

Apektado ang rating ng fantaserye dahil sa katarayan ng bida

TOTOO pala talaga ang nasagap naming tsismis tungkol sa pagbabawas ng appearances ng mataray na aktres sa kanyang fanserye dahil sa nakakulapol na masasamang isyu sa kanya na lubhang nakaaapekto sa rating ng naturang palabas.

Mas binigyan ng pokus ngayon ang mga kasama niyang barako para pampainit sa manonood, kesa mag-init ang ulo nila sa ugali ng palaaway na aktres.

Hindi siya madisiplina ng network kaya sa pamamagitan na lang nang pagbabawas ng mga eksena siya kinana ng management.

***

Gerald Anderson may patama kay Rayver Cruz?

MULING magkakasama sa isang pelikula sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo. At dahil pareho naman silang walang mga karelasyon ngayon kaya malamang ay ma-link sila sa isa’t isa at mauwi ito sa totohanang relasyon.

Pero kung liligawan ba niya si Sarah at sinagot siya nito, sure ba niyang aalagaan ito at hindi paiiyakin?

“Dapat lang sure ka kasi ‘yung mga taong katulad ni Sarah, dapat po talagang alagaan,” sabi ng binata.

Ayan Rayver (Cruz), nababasa mo ba ito? Hehehe!

Wala namang problema kung targetin nga ni Gerald si Sarah dahil kilalang-kilala na niya ang pamilya nito lalo na si Mommy Divine.

“Kahit sino naman pong liligawan ko, dapat aware ka sa pamilya niya, aware ka sa lahat. Sa mga kaibigan niya.

“Para mas malaki po ang chance, di ba?”

‘Yun lang!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply