Nag-effort si Aiko para ma-penetrate si Cristine

SOBRANG maligaya ang aktres at dating politician na si Aiko Melendez sa kanyang teleserye sa ABS-CBN araw-araw pagkatapos ng Happy, Yipee, Yehey!, ang “Reputasyon.”  Together with the whole staff and crew kasama na ang batikang direktor ng Reputastasyon na si Jeffrey Jeturian, thankful sila sa napakagandang feedback na nakukuha nila sa mga manonood.

Super okey din daw sila ng bida ng teleserye na si Cristine Reyes na kapatid ni Ara Mina. Matatandaan na nagkaroon ng isyu noon kina Aiko at Ara dahil kay Jomari Yllana hanggang sa nadagdagan pa ng ibang  intriga. At hanggang ngayon, ‘di pa rin nagkakaayos sina Aiko at Ara.

“Naka-eksena ko na siya ng marami and I think ‘yung mga susunod na episodes namin sa Reputasyon ‘yun ang dapat abangan,” wika ni Aiko.

Kasi ‘yung una, napansin kasi namin ni Cristine puro batuhan lang kami ng linya, e. Very formal. Pero ngayon, ‘yung pangalawa naman, aksidente, natamaan ko siya ng bag. ‘Yun ‘yung confrontation namin, ‘yung sinabi niya na lalaban siya. ‘Yun ang abangan ng viewers,” kwento ni Aiko.

In-assure naman ni Aiko na never aabot sa personalan ang mga eksena nila ni Cristine lalo na kapag may pisikalan na.

“Kami ni A-A, I call her A-A, ano, e, meron kaming, ‘Ate, ano.’ Kasi she calls me Ate and I call her Sis. A  Kasi there was a time na alam ko may ilang factor, e.  Pero bilang mas nakakatanda sa kanya ako ‘yung  nag-reach-out. Sabi ko, ‘Lika A-A, Sis, ‘wag ka’ng mailang sa akin,’ ganyan. And then ano, I started knowing, actually, nagtanung-tanong ako kung ano ang favorite na pagkain ni Cristine. Nag-research talaga ako. I asked around. So, when I found out about it kapag nasa set dinadalhan ko siya. Para I want her to feel na okey tayo. Kasi ako ‘yung ate.”

Hindi na lang daw nila nababanggit sa isa’t isa ang pangalan ni Ara para ‘di magkaroon ng ilangan sa pagitan nina Aiko at Cristine.

“Siguro those are the unspoken agreement na parang huwag na nating banggitin para ano na lang, para wala na lang pressure on both sides,” diin ni Aiko.

***

NAUDLOT ang pakikipag-meeting ng Queen of All Media na si Kris Aquino with GMA Films executives last two weeks ago. Namatay kasi ang tiyahin at ninang at the same ni Kris na may-ari ng Far Eastern University. And now, naghihintay na lang kung kailan magme-meet ang kampo ni Kris at GMA Films.

Pero ang maswerteng si Bb. Joyce Bernal ang kumpirmado ng magdi-direk sa kauna-unahang pagsasanib-pwersa ng Star Cinema at GMA Films, ang “Segunda Mano.” Ito rin ang kauna-unahang pelikula na pagtatambalan nina Kris at Dingdong Dantes.

Ayaw munang isipin ni Kris ang nalalapit na pagsho-shooting niya ng movie nila dahil ngayon pa lang ay nai-imagine niya na patay-patayan na naman ang katawan niya. Bukod sa araw-araw na live ng kanyang morning show na Kris TV (may backpack pa at taping), magsisimula na rin ang bago niyang game show na “Kapamilya Deal or No Deal.” Plus, live pa ang “Pilipinas Got Talent Season 3.”

Last Saturday, trineat ni Kris  ang buong staff ng katatapos lang na game show niya sa ABS-CBN, ang “The Price is The Right” Isanama na rin doon ni Kris ang staff ng morning show niya na Kris TV. Plus, ang mga kaibigan niya na sina Vice Ganda, Liz Uy at si Kian Cipriano.

Pagkatapos mag-dinner ay dumiretso na ang buong grupo sa Zirkoh Tomas Morato para samahan si Kris na panoorin ang concert nina Bugoy at Jovit Baldovino. Sixty tickets worth P1000 each ang binili ni Kris sa concert bilang pasasalamat na rin ni Kris kay Jovit na dalawang beses nag-guest sa “Kris TV” at parehong pumalo sa ratings. At 9:30 pm, nagyaya na si Kris sa grupo na pumunta na sa Zirkoh para saktong 10 p.m. ay magsimula na ang show nina Bugoy at Jovit. True enough, 10 p.m. nagsimula na ang concert na never pa atang ginagawa sa Zirkoh. Usually, bandang before midnight kung magsimula ang concert sa Zirkoh.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply