Nagmamarunong kasi si Carla Abellana…

ANG talagang kasalanan ni Carla Abellana kay Mario Bautista ay nagrunung-runungan siya. Wala ba siyang manager? Wala ba siyang publicist?

Parang di siya komunsulta muna sa manager n’ya, o sa publicist man lang n’ya, o kahit sa publicist man lang ng Regal, bago siya sumulat kay katotong Mario para kastiguhin ito dahil sa kolum niya na may direct quotes mula sa kanya supposedly.

Kung may manager siya, o publicist man lang, at may utak naman ang manager o ang publicist, siguradong papayuhan nila si Carla na hayaan muna silang mag-check sa Regal kung may ipinadalang press release ang kumpanya tungkol sa kung ano man yung pelikulang ipinu-promote ng nasabing kumpanya kung saan kasali sa cast ang nagrurunung-runungang aktres. Alam naman ng mga manager na may bayarang reporter-reporteran ang bawat kumpanya para i-publicize ang mga pelikula nila.

Tapos daw si Carla ng college sa isang supposedly ay prestigious university. Tapos yata siya ng Psychology (bagama’t parang siya mismo ngayon ay may psychological issues sa personality n’ya!) Akala namin ay magiging kakaiba siya. Magiging mas matalino sa karamihan sa mga artista natin na isa o dalawang taon lang ang natapos sa kolehiyo, o baka ni hindi pa man lang nakatuntong ng unibersidad. Parang hindi siya mas matalino at mas may breeding. Parang mas mayabang lang siya kesa sa iba.

Saka hindi dapat si Carla lang ang mag-apologize kay Mario. Dapat pati ang manager n’ya at ang publicist n’ya ay mag-apologize din dahil nalusutan sila ni Carla para mambastos ng isang kolumnista. Dapat kastiguhin din nila from head to foot ang baguhang aktres na nagrurunung-runungan!

Oo nga pala, may isang theater publicist na nagrunung-runungan din na nag-comment na dapat daw ay ipakita muna sa artista, o sa manager nito, ang publicity material na may quote from the actor or actress bago ito ipadala. Okey din yon. Pero walang karapatan ang artista, o ang manager, na ipabago ang isang publicity material kung wala namang sinasabi ru’n na makakasama sa pagkatao n’ya o sa career n’ya. Bawat publicist ay may sariling istilo, o approach, sa pagsusulat ng press release, at di dapat pakialaman yon ng artista o ng manager n’ya. Ang pwedeng pakialaman ng artista, o ng manager ng artista, ay ang gawa ng mga publicist nila na karamihan ay nagpapanggap na independent reporters and columnists. Dahil binabayaran sila, dapat silang sumunod sa kagustuhan ng mga amo nila.

Nag-walk out nga pala si Mario pagkatapos n’yang mailabas ang lahat ng sama ng loob niya sa baguhang aktres na biglang nagpanggap na magalang, humble, and well-bred habang kinakastigo siya. Pagkatapos ng ilang minuto, ang mismong producer naman ng pelikula, ang dakilang si Mother Lily, ang nag-walk out. Pero nagpaalam naman siya. Aniya, “May I go na? Because I am crying na.” Ewan naman kung bakit naiyak si Mother Lily. Dahil kaya sa tapang ni Mario B? O sa tapang ng hiya ni Carla na big- lang magalang, humble, and sweet. Sino kaya ang wino-walk-out-an ni Mother: si Mario o si Carla?

Sa report ni Mario Dumaual sa TV Patrol ng ABS-CBN nung Martes ng gabi lang namin napag-alaman ang pagwo-walk out ni Mother Lily. (Wala kami sa press conference.) Dahil siguro sa ang feeling ni Mario Dumaual ay mas sikat si Mother kesa kay Mario B, ang ipinakita n’ya sa report n’ya ay ang pagwo-walk out lang ni Mother, hindi na ang kay Mario B. Pero di ba posibleng kaya ang ipinakita ni Mario D. ay ang pagwo-walk-out ni Mother ay para ipamukha kay Mother kung gaano kawalang-saysay ang pagwo-walk out n’yang iyon sa press-con para sa isang pelikula na siya ang gumastos, at pati sa press-con ay siya pa rin? Sariling gimmick ba ni Mother ang pagwo-walk out n’ya? Ba’t di na lang kaya siya nagpa-script ng mas may saysay na eksena sa director ng pelikula na si Jun Lana, na napakaproduktibong scriptwriter?

Oo nga pala, nang magtatapos na kaming isulat ang kolum na ito, saka lang namin napag-alaman na si Arnold Vegafria pala ang manager ni Carla, ang manager na nalusutan ng nagrunung-runungang baguhang aktres. Ang aktres na biglang nagpa-sweet, nagpa-courteous, at nagpa-humble dahil hindi n’ya akalaing kakastiguhin siya ng isang reporter. Dapat ay kinastigo muna ni Mother si Arnold bago siya nag-walk out. Mas matinding eksena sana yon!

Well, anyway, bravo, Mario Bautista!

Oo nga pala, nagtu-Twitter na rin kami ngayon! You may follow us @dannyvibas. You may also send messages to us sa Facebook:

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply