Nagpapatakbo ng sugalan puro kamag-anak ni meyor

Inirereklamo ng mga residente ng San Miguel, Bulacan ang nagkalat na mga videokarera na umano’y pag-aari ng mga malalapit at mga kamag-anak ng alkalde ng nasabing  bayan.

Halos ang mga kamag-anak na raw ni San Miguel Bulacan Mayor Roderick Tiongson ang mga nag-mamay-ari ng mga nagkalat na mga makina (VK) sa San Miguel kaya hindi ito magalaw-galaw ni meyor.

Kahit ilang beses na raw na ipinararating ng mga taga-San Miguel ang kanilang mga reklamo kay meyor at sa chief of police nitong si Supt. Rivero ay nagbibingi-bingihan lamang daw ang mga ito.

Hindi lang natin alam kung mayroong natatanggap na lingguhang I.N.T. (intelihensiya) si meyor mula sa mga kamag-anak nito kaya  exempted ang mga ito sa  hulihan.

Mantakin ninyo, halos ang mga kamag-anak na ni Mayor Tiongson ang nagpapatakbo ng mga iligal na sugalan sa nasabing bayan.

Ang mga tinutukoy na kamag-anak ni Mayor Tiongson ay ang pamangking si Reagan at kapatid na presidente pa naman ng mga kapitan na si Kap. Cris ng Oriente.

Ayon sa mga taga-San Miguel ay 9 ang mga nakakalat  na VK nitong si Reagan sa San Miguel at 7 naman na  VK  kay Kap. Cris.

Hinahayaan lang sila ni Mayor Tiongson at Supt. Rivero dahil sila mismo ay nakikinabang sa kinikita ng mga minamantine na mga VK ng kamag-anak ni mayor.

LOTENG SA RIZAL ANTATSABOL PA RIN

Tuloy-tuloy pa rin ang operations ng loteng ng magpapakner na Romy Waway, Benjie at ang bangkang si Mike Rosales sa  Rizal. Palibhasa walang ipinagmamalaki ang mga ito kundi ang ibinibigay nilang I.N.T. (intelihensiya) kay PD Supt. Manuel Ce-sar Prieto. Kaya kampan-te sila na hindi huhulihin ni PD ang kanilang pa-loteng.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 091892-74764,09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply