Nagtampo sa 13-anyos anak, nanay nag-suicide sa school laboratory

PATAY ang isang ginang makaraang magbigti sa loob ng laboratoryo ng isang unibersidad sa Mambusao, Capiz.

Wala ng buhay nang matagpuang nakabitin sa kisame si Pinky Aniceto, 34, ng Barangay Burias, Mambusao, Capiz.

Ayon sa mister ng biktima, nagulat na lamang ito nang makitang nakabitin ang asawa sa loob ng laboratoryo na pinagtatrabahuan sa Capiz State University (CAPSU) Burias campus.

Isinugod pa sa ospital ang ginang ngunit ito ay idineklarang dead on arrival.

Nagtatampo umano ang ina sa 13-anyos na anak na nag-aaral sa nasabing eskwelahan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply