Nami-miss si Albie sa movie nina Kathryn at Julia

GUSTO naming panoorin ang “Way Back Home” dahil sa instant chemistry na sinasabi ni Direk Jerry Sineneng sa pagitan ni Kathryn Bernardo at ng bago niyang leading man na si Enrique Gil. Sabi ni Direk, siya mismo ay kinilig sa scenes ng dalawa. Well tingnan nga namin kung mas nakakakilig nga sila sa movie kaysa sa mga scenes ni Kathryn kay Albie Casino sa “Mara Clara” nila dati.

Disappointed nga ang libu-libong fans nina Kathryn at Albie dahil hindi natuloy ang young actor sa Way Back Home gawa nga ng pagkakasabit ni Albie sa pregnancy issue ni Andi Eigenmenn. Diumano ay pinull-out at the last minute si Albie sa movie dahil hindi na wholesome ang image nito ngayon. At ang latest nga na nabalitaan namin ay magpapa-sexy na raw si Albie sa nest project nito. Nananatiling nasa Star Magic pa rin ang gwapong aktor.

The movie is banking on the huge success of Mara Clara. Kaya naman ang lakas ng pressure kina Kathryn at Julia Montes na maging box-office hit ito. Judging on the trailer mukhang isang tearjerker ito at alam naman natin na napakahilig ng mga Pinoy sa drama. Although wish namin na mabigyan ng isang light teen movie naman sina Kathryn at Julia next time.

***

PAULIT-ULIT na sinasabi ni Gov. ER Ejercito na prescon ng pelikulang “El Presidente” para kay Nora Aunor na hindi main objective ng production na kumita ang movie nila. Mas importante sa kanila ang makagawa ng isang quality Filipino film na pwede nilang ipagmalaki sa buong mundo. Aabot kasi sa P80M-P100M daw ang magagastos sa El Presidente dahil gagawa sila ng mga set at mga costumes para sa lahat (including hundreds of extras) na pang early 1900’s ang setting. Isama pa dito ang napababalitang P7-M talent fee ni Ate Guy na pinabulaan naman ng Superstar.

Ang maganda dito ay ang bagong attitude ni La Aunor pagdating sa trabaho. Nakakikitaan na siya ngayon ng professionalism. Sumisipot siya sa lahat ng commitments niya on time. At binibigyan niya ng time ang pamilya niya, loyal fans at mga kaibigan sa press dahil matagal niyang hindi nakapiling ang mga ito pagkatapos ng walong taon na pamamalagi sa States. Thanks to Kuya Germs na tumatayong manager niya ngayon na laging nakatutok ngayon kay Ate Guy at panay ang remind nito sa mga commintments niya.

Nag-first shooting day na ang El Presidente sa Kawit, Cavite noong Lunes at kinunan ang wedding ni Emilio Aguinaldo (ER) at ng second wife nitong si Maria Agoncillo (Nora). Si Gov. ER na rin ang nag-confirm na pumayag na si Robin Padilla na gumanap bilang Andres Bonifacio. Ipapalabas ang El Presidente sa 2012 pa dahil bubusisiin nila ito nang husto at aabot daw ng 2 & ½ hours ang running time nito.

***

NAKATUTUWANG isipin na ang ilan sa sikat na banda natin ngayon ay nag-volunteer na mag-participate for free sa benefit concert ng Psor Phils titles PsorRocks na gaganapin sa Baypark Service Road (besides Rajah Sulayman), Roxas Blvd Manila sa Aug. 20 (Sat) ng 7pm. Nag-commit na ang mga bandang 6Cyclemind, Callalily, Cueche, Even, General Luna, Gracenote, Kenyo, Slapshock, Tricia Gracia at Up Dharma Down. May street party ring gaganapin after the concert na pangungunahan ni DJ Buddah. Mabibili ang tickets sa lahat ng SM outlets, VIP is P1,000 (with open bar) at P100 for gen. admission.

Isa ito sa projects ng Psor Phils headed by Josef de Guzman para makalakap ng funds para sa organization nila who helps and supports all Filipinos around the country who are suffering from psoriasis, a skin disease na hindi communicable.

***

SINA Dennis Trillo, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez at Isabelle Daza ang special guest ng “Bubble Gang” ngayong Friday sa GMA. Kasama sila sa Dying Wish gags at Myra E (Iza Calzado) commercial spoof. Ipapangalanan na ni Bitoy ang Mga Bagong Gulay at magti-team-up sila ni Ogie sa Young Husbeens, version nila ng Younghusband brothers. Mag-aaway rin ang dalawang magicians sa Away-Cadabra at puro katatawanan ang mapapanood sa Joktibee. Nandyan ang regulars na Cheche, Moymoy (One Last Cry), Ba’t Ganun, Tata Twins at Pick-Up Lines.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply