Nanalo sa pusoy pinatay

PATAY ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang naglalakad papauwi makaraang manalo sa pusoy sa isang lamayan sa Valenzuela City Sabado ng gabi, Agosto 13.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa likod at batok si Ronald Punzalan, 31, ng Faustino st., Punturin, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, papauwi na ang biktima matapos manalo sa pusoy sa isang lamayan sa kanilang lugar at pagsapit sa Velilia St., Punturin ay sumulpot ang suspek at pinagsasaksak si Punzalan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa VGH.

Inaalam na rin ng mga pulis kung may kinalalaman  sa nasabing insidente sina Alvin Elope, Jerico Balviran at si Rey Molina na tinalo sa pusoy ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply