Nanay hinampas ng kahoy sa ulo, anak kalaboso

SWAK sa kulungan ang 36-anyos na babae matapos hatawin ng kahoy sa ulo ang sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Sangandaan, Caloocan City nitong Sabado.

Ang sugatang biktima sanhi ng pagkakapalo ng kahoy sa ulo ay si Felicitas Prencipe Name, 54, ng Sitio Uno, St., Brgy. Sangandaan, nasabing lungsod.

Agad namang naaresto ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated parricide  sa piskalya ng Caloocan na si Judith

Prencipe Name, 36, anak ng biktma at nakatira rin sa nasabing bahay.

Sa ulat, alas 5:30 ng hapon, nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang  mag-ina sa loob ng kanilang bahay.

Sa tindi ng galit ng suspek ay dumapot ito ng kahoy  saka ipinalo sa ulo ng kanyang nanay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply