Nangantiyaw patay sa saksak

PATAY ang isang trabahador makaraang pagsasaksakin kaninang madaling araw (Huwebes, Agosto 11) sa Pasay City ng isang security guard na napikon sa biktimang nangantiyaw na “bulate ni Amaya” ang ahas na naka-tattoo sa katawan ng suspek.

Dead on the spot bunga ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rojan Angeles. Dagliang tumakas ang suspek na kinilalang si Juanito Valiente, alyas Burdado, matapos ang insidente.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Suquiña, Jr. ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), ang insidente ay naganap dakong alas-tres ng madaling araw sa loob ng isang kubo sa Nayong Pilipino Complex ASSI parking area malapit sa Triangle Taxi parking area sa nabanggit na lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagsimulang mag-inuman ang biktima at ang suspek dakong alas-dos ng madaling araw.

Makalipas ang isang oras, naulinigan ng mga kasamahan ng dalawa ang pagkakantiyawan ng mga nag-iinuman.

Hindi umano matanggap ng suspek na tawagin ng biktima ang ahas ng tattoo ng suspek na bulate ni Amaya.

Palihim umanong kinuha ng napikon ng suspek ang patalim na nakasiksik sa dingding at  inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima, na noon ay walang puknat na tumatawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply