Nangarnap ng police van timbog sa checkpoint

PULIS man ay nabibiktima rin.

Ito ang napatunayan ng mga pulis sa isang checkpoint sa Quezon City na nakasabat ng sasakyan ng Police Security Protection Group na dala ng apat na lalaking sibilyan.

Pinigil ng mga pulis na tumatao sa checkpoint sa kanto ng D. Tuazon at Cuenco Sts.ang van dahil wala itong plaka sa harapan.

Nadiskubre nilang hindi mga pulis ang nasa loob ng sasakyan kundi apat na lalaking  pinaniniwalaang may kinalaman sa naunang iniulat na pagnanakaw ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Chief Supt. George Regis ang mga ito na sina Garry Ceriaco, 37, Erick Equila, 31, Reynaldo Peralta, 40, at Carlo Montalbo, 47.

Sa sumunod na interogasyon ay napaamin ng mga pulis ang isa sa apat na lalaki sila nga ang nang-carjack sa nabanggit na SUV.

Naberipika rin ng mga pulis sa pamamagitan ng pagkuha ng chassis number ng Toyota Innova na dala ng apat na pag-aari ito ng PNP at nawala isang buwan na ang nakararaan.

Pinaalalahanan din ni Regis ang mga mamamayan na i-report kaagad sa pulisya ang mga sasakyang nakarnap upang makaiwas sa pananagutan sakaling gamitin ito sa krimen. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply