Nanita sa traffic accident, 1 patay, 1 sugatan

PATAY ang 48-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kasamahan nito makaraang sitahin ang driver ng isang van na nasangkot sa vehicular accident sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Nestor Barientos, ng 7 Kalamansi St., Luzon Avenue, Bgy. Pasong Tamo, QC.

Si Barientos ay ideneklarang dead on arrival sa Fairview General Hospital dahil sa tama ng bala ng baril sa dibdib.

Malubha namang nasugatan ang kasama nito na si Marvin Escoreal, 33, businessman ng 245 Gen. Ordonez, Marikina Heights, Marikina City na inoobserbahan din sa naturang pagamutan na nagtamo ng tama ng bala sa leeg.

Ayon kay SPO4 Peter Wala-Wala, desk officer ng Quezon City Police District Station 6 Batasan, naganap ang insidente dakong 8:10 kagabi sa Payatas Road malapit sa Boundary ng Montalban.

Sinabi ni Wala-Wala na sakay ang mga biktima ng Toyota Corolla (TJR 601) at tinatahak ang naturang lugar patungong Payatas Road nang maganap ang insidente.

Inihinto umano ng biktima ang kanilang sasakyan at sinita ang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng KIA Pregio van na kulay pero at hindi nakuha ang plaka pero pinagbabaril sila nito.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek sakay ng van.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply