Narra sinilat sina Tiger Run, Deceiving

NANALONG dehado kanina, Agosto 13, si Narra na isang fifth choice lang sa bentahan matapos rumemate sa naganap na Three-year-old Conditions B-2-D race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Hawak ng segundo liyamadong Deceiving ang bandera habang nakipaglutsahan ang top choice na si Tiger Run.

Pagpasok ng far turn dikidkan pa rin sa unahan sina Deceiving at Tiger Run habang si Narra na nirendahan ni veteran rider Esteban “Puroy” De Vera ay kumukuha na ng tersero puwesto.

Sa home turn umalagwa na si Deceiving kay Tiger Run habang si Narra ay lumusot sa tabing balya upang kunin ang bandera sa huling 100 metro ng laban.

“Medyo nagbukahan sila Deceiving at Tiger Run kaya masyadong maluwag yung dinaanan ko,” masayang sabi ni De Vera.

Nasungkit ng connections ni Narra ang P20,000 premyo na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Naorasan si Narra ng 58.6 segundo sa 1,000 meter race upang tawirin ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong si Deceiving. Tumersero si Tiger Run at pumang-apat si Kick The Can. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply