Nars: Mabuhay sa Syria, Afghanistan hindi sa Pinas

NATUTUWA tayo sa balakin ng pamahalaan, ang Department of Health lalo na, sa balakin nitong kumuha ng mga nars para sa mga pampublikong ospital at malalayong mga barangay.

Sabi ng DOH, dapat na isang nurse ang mag-aalaga ng 12 maysakit sa mga ospital.
Pero ang totoo, isang nars lang ang humaharap sa nasa 30 pasyente.

Kaya naman, sobra pa sa kayod-kabayo sa mga panturistang lugar ang nangyayari sa mga kawawang nars sa mga pablik ospital.

Dahil dito, may natatagpuan tayong mga nars na nakikipagsigawan sa mga pasyente na nagmumura sa kanila kung hindi sila makita sa oras ng pangangailangan.

Mainit ang kanilang mga ulo sa kawalan o labis na kakulangan ng tulog ng mga ito.
Yung iba, nagtatago na lang para matulog.

Hindi sila maintindihan ng mga pasyenteng kailangang-kailangang asikasuhin.

oOo

Sabi ng DOH, sa taong ito, kumuha sila ng 10,000 nars, at sa susunod na taon, kukuha ulit sila ng 10,000.

Kahit papaano, Suki, magandang balita ito.

Sabi pa ng DOH, nasa P10,000 ang sahod ng mga ito sa isang buwan. Anim na buwan silang madedeploy sa mga barangay health center at anim na buwan sa ospital.
Pagkatapos nito, tapos na!

Waaaat?

oOo

Sa pagsasarbey natin sa programang ito ng DOH, nakatutuwa sa una ngunit nakalulungkot sa huli.

Op kors, nakatutuwa dahil may sahod na P8,000 ang nars mula sa DOH plas P2K mula sa hindi purdoy na munisipyo.

Nakalulungkot dahil istayl kontraktuwal pala ang programang ito.

Apter wan yir, sibak na sina nars dahil papalitan sila ng bagong gradweyt.

Saan sila pupunta?

Sa Afghanistan, Lib-ya at Syria! Hu-hu-hu!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply