Nars: May OJT fee na, mga kontraktuwal pa

KUNG nakapapasok sa trabaho bilang nars ang mga nars natin sa ibang bansa, sinasabing kahit papaano ay nakababawi sila ng gastos sa pag-aaral at napagagaan nila ang kalagayan ng kani-lang mga pamilyang naiiwan sa repablik ni Juan.

Pero kung nandito sila, puro kamalasan yata ang inaabot nila.

oOo

Kapain natin ang nangyayari sa kanilang buhay-buhay. Una, katakot-takot na gastos ang pinagdaraanan nila sa kanilang pag-aaral.

Mahal ang narsing.

Kung nasa huling baitang na ang kanilang pag-aaral, akala ba ninyo, Suki, eh, nakahihinga-hinga na ng maluwag ang kanilang mga magulang?

Hindi po. Sapagkat obligado silang daraan sila sa tinatawag na On the Job Training o OJT.

Dito may napakalaking anomalya. Libre na ang serbisyo nila na napakikinabangan nang todo ng mga ospital, nagbabayad pa sila ng mahal. Bukod dito, pinagkakakitaan pa sila ng mga ospital sa paniningil sa mga pasyente ng serbisyong nars.

At kung may umangal sa mga ito, binablaklis ng mga asosasyon ng mga ospital.

Derpor, pumasa man sila sa eksam, hindi naman sila makapapasok sa trabaho.

oOo

Ano-ano ang ginagawa ng gobyerno sa problema ng mga nars?

Walang nagawa sina Gloripie noon at wala ring nagagawa ang matuwid na daan ni PNoy ngayon.

Meron namang remedyo sina PNoy sa kawalan ng empleyo ng nasa 300,000 nars.

Pero konsuwelo de bobo lang.

Nagrerekrut ang DOLE ng 10,000 nars kada taon, idedeploy sila ng DOH at sasahuran sila ng P8,000 sa isang buwan.

Pero kontraktuwal lang pala ang mga ito sa sa isang taon, kaya nilalayasan nila si Juan kahit may sakit pa ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply