Nasasawi kay ‘Mina’, 13 na

UMAKYAT na sa 13 ang nasasawi sa pananalasa ng bagyong Mina sa bansa.

Batay sa pinakahuling ulat ngayong umaga ni Usec. Benito Ramos, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinaka-latest na narekober ang bangkay ng isang nalunod na matanda sa Sarrat, Ilocos Norte.

Habang nadagdagan din ang bilang ng mga nawawala na ngayon ay umabot na sa siyam habang nanatiling 21 ang sugatan.

Karamihan sa mga biktima ay mula sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) habang walang naitalang casualty sa lugar na mismong tinamaan ng mata ng bagyo partikular sa lalawigan ng Cagayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply