Natagpuang bangkay sa FB Hope sa Masbate 11 na

UMABOT na sa 11 ang mga natatagpuang bangkay mula sa lumubog na FB Hope Christy sa Masbate.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Algier Ricafrente, walong bangkay pa ng mga mangingisda ang kanilang hinahanap na sakay ng bangkang lumubog sa bahagi ng Sibuyan Sea sa Masbate dahil sa malakas na alon dulot ng bagyong “Juaning.”

Ipinaalala naman ni PCG Commandant Admiral Ramon Liwag ang kanyang direktiba sa lahat ng coast guard unit na makipag-ugnayan sa media at sa mga ahensya ng pamahalaan para bigyan ng babala ang publiko na delikado ang pumalaot kapag masama ang lagay ng panahon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply