Nationals nawalan ng Gilas sa Iran

HINDI nakausad ang Smart Gilas Pilipinas sa Finals matapos silang matalo at matambakan ng defending champion Iran, 59-78 sa semifinal round ng nagaganap na 33rd William Jones Cup International Men’s Basketball Championship sa Hsinchuang Stadium sa New Taipei City, Taiwan kagabi.

Nahirapan ang Nationals na pigilan ang 7-foot 2 Hamed Haddadi ng Iran kaya naman tumikada agad ito ng 22 puntos matapos ang half time.

Naidikit ng Gilas sa limang puntos ang lamang ng kalaban subalit bukod sa errors ay puro mintis na ang ginawa ng Nationals kaya umalagwa sa siyam na puntos ang lamang ng Iran papasok ng third canto, 27-36.

Sa third quarter pinilit pa rin ng Gilas na tumira sa loob kung saan ay palaging naka-abang ang higanteng si Haddadi kaya puro sapal ang inabot nila at tuluyan ng makalayo ang Iran na umabot pa sa 25 puntos.

Dahil sa pagkatalo ng Smart Gilas ay nabawian sila ng Iran upang makuntento na lamang ang una na maglaro para sa third place kontra host country Taiwan ngayong als 5 ng hapon.

Tinalo ng Gilas ang Iran sa opening day, 79-53.

Makakaharap ng 2009 at 2007 FIBA-Asian Champion Iran ang South Korea matapos talunin ng huli ang Taiwan 90-85 sa overtime.

Giniba ng Korea ang Iran sa elimination round, 77-59 kaya naman inaasahang hindi lang paghihiganti kundi idedepensa ng huli ang kanilang titulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply