Naulila sa magulang at utol, ex-OFW naglason

NAGLASON ang isang dating Overseas Filipino Worker matapos mangulila nang magkakasunod na namayapa ang mga magulang at isang kapatid sa Malabon City Miyerkules ng gabi, Agosto 24.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Arcie Ignacio, 29 ng Celia II, Bayan-bayanan, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 9:10 ng gabi, nakarinig ng ungol sa kuwarto ng biktima ang pinsan na si Keneth na naging dahilan upang alamin.

Laking gulat ni Keneth nang makitang bumubula ang bibig ng biktima habang nasa tabi ang botelya ng silver cleaning solution na naging dahilan upang dalhin sa PLM.

Nabatid na naging matamlay ang biktima mula nang pumanaw ang mga magulang at isang kapatid.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply