Nawawalang container vans dinala sa Puregold, S & R – Farinas

ITINURO ni Rep. Rodolfo Farinas ang supermarket na Puregold na siyang pinagdadalhan ng mga container vans na nawawala sa biyahe na naglalaman ng ibat-ibang paninda mula mga household items, plastic at building products.

Ayon sa mambabatas, ang Puregold na may 60 sangay ay may kakayanang idiskarga ang mga nasabing produkto sa kanilang mga tindahan. Idinawit din ni Farinas ang S & R na isa ring malaking supermarket.

Ayon umano sa source ni Farinas, naging posible ito sa pagmamaniobra ng isang broker na nagngangalang Boy Valenzuela.

Mariin namang itinanggi ng Puregold ang paratang at hindi umano sila bumibili ng mga nakaw o smuggled na paninda.

“Ang mga transaksyon ng Puregold ay legal at hindi nila papayagang mabahiran ng putik ang kanilang reputasyon na pinaghirapan nilang itayo sa maraming taon,” ani Lucio Co, may-ari ng Puregold.

Sa pag-analisa ni Farinas, nawalan ng P230 milyon ang pamahalaan sa mga buwis na hindi nabayaran sa pagkawala ng mga laman ng mga container vans samantalang sa kwenta ni Rep. Mitos Magsaysay ng Zambales ay aabot ng P3 bilyon ang nawala sa kaban ng bayan sa nasabing nakawan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply