Nawawalang containers sa Bureau of Customs

SA laki ng 40-footer na container ay hindi ngayon makita ng Bureau of Customs kung saan na napunta ang mahigit sa 1,900 van na ito.

Bakit? Este magkano?

Si Boy Valenzuela ang itinuturong salarin sa modus na transhipment patungong Batangas.

Pero hanggang sa kasalukuyan ay walang ebidensiya na makapagsasabing siya nga ang promotor.

NASAAN SI BOY VALENZUELA?

Base sa bulong ng ating uzi lumusot na palabas ng bansa si Boy V.

Yan daw kasi ang naging payo ng anak n’yang pulitiko para hindi na makaladkad sa kontrobersiya ang kanilang angkan.

Nasabi nga ni katotong Paul Gutierrez na kaututang dila n’ya raw si Boy sa Taguig.

Naku! Intriga raw yan, Taguig Mayor Lani Cayetano.

SINO ANG GAGO SA BOC?

Matagal nang nangyayari ang modus operandi ng transhipment sa bansa.

Simula raw ito nang umupo si John Tan bilang Collector ng Port of Batangas.

Malinaw na sinabi ni Tan sa Congressional investigation na sa gilid lang daw ng Customs zone nila ineeksamin ang mga container.

Eh di… Iligal yun!

Sa madaling salita, sa parking lot nila binubusisi ang container van.

Aba’y… Gago nga!

ACCREDITATION SA CUSTOMS

Taon-taon ay nire-renew ang accreditation ng consignee sa Customs.

Ang opisinang namamahala nito ay ang Interim Customs Accreditation and Registration Unit na pinamumunuan ni Deputy Commissioner for Revenue Collection and Monitoring Group Peter Manzano.

Base sa bulong ng ating uzi, ipis at butiki lang ang nag-oopisina sa address ng consignee pero sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng kumpletong papeles ang opisina ni Boy V.

Aba! Nag-terminate pa ng kontrata sa opisina noong June 15, 2011 dahil pumutok na ang isyu ng transhipment.

Bakit di n’yo imbestigahan kaagad ang mga broker na pumipirma sa consignee na sina Jason Ferrer at Marvin Cortez? Pinasyalan na ba kayo, Dep. Comm. Manzano, sa inyong TANGGAPan?

Nagtatanong lang po!

20 CONSIGNEE NI ABUTER AT ACUZAR

Hooops! Isingit na rin natin ang mahigit 20 consignee nina Ric Abuter at Aying Acuzar na nagkaroon ng accreditation kay Manzano.

Anak ng pitong putakte! Benteng consignee?

Magkanoooo???

FRANK WONG AT KIMBERLY GAMBOA

Nakarating sa ULTIMATUM ang sumbong na itong si Frank Wong at Kimberly Gamboa aka Julie Hao Gamboa ay ginagamit ang pangalan ng inyong lingkod para isang-kalan sa aktibidades sa loob ng Bureau of Customs.

Minsang binanatan ni NPC Pres. Jerry Yap sa kanyang column itong sina Wong at Kimberly.

Sinabi ni Wong na kaibigan n’ya raw ang ULTIMATUM kaya baka puwede namang maabsuwelto na ang diskarte n’ya sa Aduana.

Ito namang si Kimberly ay nagmalaki pang “KASOSYO” raw  n’ya ang ULTIMATUM sa aktibidad d’yan sa pier.

Kayong dalawang hunghang! Huwag n’yong idamay ang ULTIMATUM sa kalokohan n’yo kung ayaw n’yong magkandaletse-letse  kayo.

Nananawagan ang ULTIMATUM sa lahat ng opisyales d’yan sa Bureau of Customs na nabola ng dalawang bugok na ito… HULIHIN n’yo ang kargamento ng dalawang yan para malaman n’yo kung sino talaga ang gagong nasa likod nila!

CONGRESSMAN AT LARGE

Sa isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso ukol sa nawawalang mga container, malalim daw ang diskarte ng isang Kongresista na tawagin na lang nating Cong. Star  Apple, kung kaya’t tagos hanggang buto ang pagbatikos nito sa BoC lalo na kay Comm. Lito Alvarez.

Nagpadala raw ng isang Congressman at large si Cong. Star Apple para kausapin si Comm. Alvarez tungkol sa usaping regalo este areglo.

Una ay gusto raw ni Cong. Star  Apple na ipuwesto ang kanyang kamag-anak sa BoC.

Pangalawa ay siyempre yung lingguhang taripa para sa mga minorya.

Hindi nagkasundo sa usapan dahil ang pinadala ay former, ex, o dating Kongresista na.

Na ngayon ay Tongresista na lang, sa madaling salita ay mangongotong na lang!

Ang kapaaaaal!!!

UZI TEXT

Sumbong sa text ng mga pikon na uzisero.

ROBINSONS CAINTA

Gud PM, Sir Benny, pakikalampag po ang management ng Robinsons Cainta, yung outlet ng water treatment nila ay nagbubuga ng masamang amoy, 2 weeks ng nagrereklamo ang mga negosyante dito. Bantay Bayan Sto. Domingo Chapter Cainta, Rizal. +6392748….

PATAWAD KAY MIDEO CRUZ

Para sa nag-comment sa mga obispo tungkol sa art ni Mideo Cruz, kung sa mga Muslim ay di n’yo pinapalagpas ang nangyari, eh sa inyo na yun kasi may iba naman kayong paniniwala. Ang tunay kasing Kristiyano ay nagpapatawad kahit na gaano pa kalaki ang kasalanan ng tao. Okey na yun kasi tinanggal na ang art, bahala na ang Diyos sa kanya.  +6393082…

INUTIL NA PSC AT POC

Gud am po. Wala namang pakinabang ang mga inutil na PSC at POC. Puro PAGNANAKAW lang ang alam nila. Dapat masibak na sila. Thanks. Jaime ng Mla. +639279464….

SIBAKIN SI PEPING

Dapat paalisin na si Peping Cojuangco at Ritchie Garcia sa  PSC at POC para masaya ang mga player. Mga bwisit at sipsip yan. +63939397….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply