NBA players union kinasuhan ng Liga

NAGHAIN ang National Basketball Association (NBA) ng kaso laban sa unyon ng mga manlalaro upang makakuha ng desisyon na pabor sa lockout ng mga players at hindi nito nilalabag ang antitrust laws.

Ang nagbunsod sa kaso sa Manhattan federal court ay ang banta ng unyon ng paggamit ng antitrust litigation para makakuha ng paborableng kontrata sa isinusulong na negosasyon.

“The union’s improper threats of antitrust litigation are having a direct, immediate and harmful effect upon the ability of the parties to negotiate a new collective bargaining agreement,” ayon sa kasong isinampa.

Tinawag ng NBA ang banta na isang “impermissible negotiating tactic” para manalo sa contract negotiations.

Isang unfair labor practice ang inihasing kaso ng NBA sa NBA union sa National Labor Relations Board kung saan iginiit nito na nabigo ang mga atleta na makipag-ayos sa mabuting usapan.

Matatandaan na nagdeklara ng lockout ang NBA o hindi na matutuloy ang laro ngayong Oktubre hanggang sa susunod na taon dahil sa kahilingang manatili ang suweldo ng mga atleta habang umaangal naman ang 22 sa 30 teams dahil nalulugi na umano sila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply