NBI agent nanakawan ng baril

PORMAL na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section ang isang confidential agent ng National Bureau of  Investigation (NBI) dahil sa pagkawala ng kanyang baril habang natutulog sa loob ng gusali ng Philippine Christian University (PCU) sa Paco, Manila.

Ayon kay Eduardo Manalo, 54, nasa pagitan ng 12:00 hanggang 1:00 ng madaling araw ng Sabado, Agosto 6, naganap ang nasabing nakawan ng baril.

Sa salaysay ni Manalo, nag-overtime siya sa itatayong bulaluhan at kambingan sa tabi ng PCU at hindi na niya nagawang makauwi pa kaya sa loob ng gusali na siya natulog.

Inilagay ni Manalo ang kanyang SWSN Cal. 40 pistol na may magazine at sampung bala sa ilalim ng kanyang unan.

Pagsapit ng madaling araw ay maalimpungatan ito at nang kukunin na nito ang kanyang baril ay hindi na niya nakita.

Nauna rito, may isang linggo na umanong mahigit nang mawala din ang dalawang mobile phone ng dalawang construction worker na nagta-trabaho sa ipinagagawang bulaluhan at kambingan kaya nadala na ang dalawa at hindi na umano natulog doon.

Naniniwala ang pulisya na ang kumuha ng baril ng NBI agent at ang nagnakaw ng mobile na pag-aari ng dalawang manggagawa ay iisa lamang. Rene Crisostomo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply