NCR Team paborito sa LBC-Ronda Pilipinas Bikefest

ANG pambato ng National Capital Region team na sina Warren Davadilla at Frederick Feliciano ang paborito sa LBC-RONDA Pilipinas Bike Race na gaganapin sa Cagayan de Oro City simula Setyembre 24.

Dating mahigpit na magkaribal sina Davadilla at Feliciano sa mga nagdaang bike races. Dalawang ulit na nagkampeon ang 35-anyos na si Davadilla sa 1998 Tour at sa pinakahuling Marlboro Tour habang naging mahigpit na karibal niya ni si Feliciano na pumangalawa sa 2005 Golden Tour at tinanghal na kabilang sa Top 5 mini races nitong huling anim na taon bukod sa pangunguna sa NCR eliminations noong Mayo na nagtampok sa team sa 1,960-km na nagdala sa mga siklista sa mga pangunahing lunsod sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Tampok sa karera ang 188-km Baguio to Baguio stage na kung saan tatanghalin ang inaugural champion. Kabilang sa NCR team sina Dante Cagas, Reinhard Goramitis, Darile Dan Bernabe at Roby Urbano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply