NDFP: Walang palabra de honor ang GPH

WALANG palabra de honor ang pamahalaan ayon sa tagapagsalita ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) matapos hindi mangyari ang pangako na palalayain ang may 17 nilang kasapi bago magsimula ang ikalawang bahagi ng pag-uusap ng dalawang panig noong Hunyo ngayong taon.

Ayon kay Fidel Agcaoili, hanggang ngayon ay nasa kulungan pa ang mga ito sa kabila ng mga kasunduang sinulat ng pamahalaan na palalayain ang mga ito noong Hunyo at dahil naiurong ang pangalawang pag-uusap sa Setyembre ay nakabitin pa ang pangakong ito ng GPH panel.

Binatikos din ni Agcaoili ang pinuno ng GPH panel na si Alexander Padilla sa paninisi at pag-aakusa laban sa NDFP sa isyu ng pagkakadukot ng mga komunista sa mayor ng Lingig na si Henry Dano at nagsabing may karapatan ang mga awtoridad ng rebolusyunaryong gobyerno na dakpin at imbestigahan ang alkalde dahil sa aktibo nitong pagsali sa mga operasyon ng militar laban sa mga tao(komunista).

Hindi naman umano papayagan ng GPH panel na gamiting “blackmail” ng NDFP ang pagdukot sa mayor kapalit ng mga kasamahan nilang nakapiit makaraang kumalat ang tunay na motibo ng mga ito sa pagkuha sa alkalde ng Lingig. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply