NDRRMC naka-red alert na

NAGTAAS na ng alert level ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang  paghahanda sa pananalasa ng bagyong “Mina” sa bansa.

Ayon kay NDRRMC executive director Benito Ramos nasa red alert na ang kanyang ahensya, na partikular na binabantayan ang mga lalawigan sa Region 1, Region 2 at Cordillera.

Inaasahang mas maraming tubig ang ibubuhos ni Mina sa mga lugar na nabanggit.

Inatasan na rin aniya nila ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maging handa sa pagresponde sa pananalasa ng bagyo sa mga nasabing lugar.

Batay sa ulat, apektado rin ng pag-ulan ang Visayas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply