Negosasyon patuloy sa hostage drama sa Batangas

PATULOY ang negosasyon ng mga awtoridad sa nagaganap na hostage taking incident sa San Piero, Balayan, Batangas na nagsimula kaninang umaga (Martes, Agosto 30).

Ayon kay C/Insp. Joel Españo, tagapagsalita ng Batangas Philippine National Police, ang hostage taker ay kinilalang si Jun Pineda, tubong Visayas, siyang nang-agaw ng isang motorsiklo at hinabol ng mga alagad ng batas.

Sinabi ni Españo, bago nangyari ang pangho-hostage ay nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga pulis at suspek hanggang sa makarating sa nabanggit na lugar kung saan piunasok ng suspek ang isang bahay.

Ang nasabing bahay ay may apat katao na hinostage ni Pineda.

Tatlo na rito ang isa-isang pinalaya sa sunud-sunod na negosasyon.

Hawak pa ni Pinde ang ang 50-anyos na biktima na kinilalang si Rodolfo Balagwas.

Dagdag pa ni Españo, si Pineda ay armado ng .45 kalibreng baril at nagawa pa nitong makipagbarilan sa pulisya kahit sugatan na.

Isa sa hiling ng suspek ay makausap ang isang kapitan ng barangay mula sa Nasugbu, Batangas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply