Negosyador sa Luneta hostage kinuyog ng HK media

HABANG nagsasagawa ng Buddist rites ang mga kaanak ng turistang Chinese na nabiktima ng madugong hostage taker sa harapan ng Quirino Grandstand sa Luneta, halos kuyugin ng Hong Kong media ang dating negosyador na si Chief Insp. Romeo Salvador, nang magtungo  mismo sa pinangyarihan ng insidente kaninang umaga.

Napag-alaman sa ulat , bumisita lamang si Chief Insp. Salvador sa lugar upang tingnan ang crime scene, lalo’t isa siya sa nagkaroon ng malaking papel para sa negosasyon sa nang-hostage na si dating Sr. Insp. Rolando Mendoza.

Ngunit habang  tahimik na nag-oobserba, nakilala umano ito ng mga Chinese at nilapitan siya sabay itinanong kung bakit hindi ito nagbitiw sa pagiging pulis kahit hindi nagampanan ng tama ang kanilang trabaho, ngunit naging tahimik lamang ito at nilisan ang lugar.

Una rito, nagdaos ng Buddhist ceremony ang mga kaanak ng Manila hostage victims at survivor dakong 9:00 ng umaga.

Kabilang sa mga nakibahagi sa ritwal sina Lee Ying Chuen, survivor; James To Kun Sun, legislative councilor; Tse Chi Kin, Tse Chi Hang, kapatid ng tour guide na si Masa Tse; Lee Mei-Chun, ina ni Masa; Man Ho Ching, abogado ng mga biktima at ang Buddhist monks na nakabase sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply