Negosyante sinampahan ng P4.6-M smuggling case ng BOC

NAHAHARAP ngayon sa P4.6-mililon smuggling case ang isang negosyante matapos na ireklamo ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ).

Ang negosyante ay nakilalang si Julianna Oriel Octavio, importer at may-ari ng Adventure Trading, ay gumagamit umano ng pekeng ASEAN Common Effective Preferential Tariff (ASEN CEPT) form para makaiwas sa pagbayad ng buwis sa kanyang mga inangkat na tela.

Dawit rin ang customs broker na si Geraldine Purog.

Base sa rekord ng BOC, nagawang maipasok sa bansa noong Nobyembre 10, 2010 ang 593 package ng mga tela galing sa Thailand na naka-consign sa Adventure Trading.

Subalit nakaiwas umano sa pagbabayad ng 10 porsiyento na buwis ang importer ng tela dahil sa isinumite nitong ASEAN CEPT form, na kalaunan ay nabistong invalid o walang bisa dahil wala iyong lagda ng kinauukulang opisyal.

Nasa mahigit P4.6 milyon ang kailangang bayaran ng Adventure Trading sa pamahalaan dahil sa nasabing pandaraya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply