Negosyanteng bebot inutas sa tindahan

MASUSING imbestigasyon at follow up operation ang isinasagawa ngayon ng Manila Police District upang matugis ang dalawang hindi nakilalang lalaki na pumatay sa 56-anyos na negosyante sa Malate, Maynila.

Nabatid na nasa loob ng tindahan si Emily Sario, sa 765 Maguinhawa St. Malate Maynila nang lapitan ng isang lalaki saka pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril ay saka naman dumating ang isa pang suspek sakay ng di naplakahang motorsiklo na ginamit sa kanilang pagtakas.

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila si Sario subalit hindi na rin nailigtas pa ng mga doktor sanhi ng tinamong tama ng bala sa  lalamunan, dibdib at tagiliran.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply